Hindi mapigil ang pag-iyak ng isang 20 taong gulang na babae habang isinasalaysay sa pulisya ang panghahalay umano sa kanya ng isang pekeng recruiter sa isang bahay sa Parañaque City kamakailan.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Brett Porras, 44, ng 19-A San Miguel St., NAIA, Pasay City. Si Porras ay inaresto ng pulisya base reklamo ni “Juliet” (hindi tunay na pangalan) matapos gahasain umano nito ng suspek sa bahay ng pinsan ng huli sa Editorial St., Fourth Estate Subdvision, Barangay San Antonio, Parañaque City.

Matapos kaibiganin, sinabi ng biktima na nangako si Porras na bibigyan siya ng trabaho at inabisuhan itong tumira muna sa kanilang tahanan sa Parañaque habang pinoproseso ang mga employment document.

Habang nakatira sa bahay ng pinsan ng suspek, ilang beses umanong pinasok ni Porras ang kanyang kuwarto at hinalay si Juliet habang may nakatutok na patalim.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Matapos ang ilang araw ay nakatakas si Juliet sa kamay ni Porras at agad na humingi ng tulong sa pulisya. - Mitch Arceo