NASH-Aguas-483x500 (1)

ANG seryeng Bagito ni Nash Aguas ba ang ipapalit sa Hawak Kamay ni Piolo Pascual?

Naitanong namin ito dahil sunud-sunod ang mensahe sa amin ng loyal supporters ng NLex (Nash Aguas-Alexa Ilacad love team) na excited na sila sa Bagito.

Ang alam namin ay sa susunod na taon pa ito isasalang kaya kasalukuyan pa lang itong binubuo ng Dreamscape Entertainment nang paunti-unti, kasi nga nasa vacation mode ngayon ang buong production unit ni Deo Endrinal. Ngayong nalalapit na Holiday season lang sila may pagkakataong makakapagpahinga dahil buong 2014 silang ngarag mga naging primetime serye nila na pawang mataas ang ratings.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sabi namin sa supporters ng Nlex, sa 2015 pa ang airing ng Bagito pero ipinagdidiinan sa amin na isasalang na raw pagkatapos ng Hawak Kamay.

Hindi na kami nangatwiran pa dahil baka nga mas may alam sa amin ang NLex supporters.

Kung sabagay, may spy si Bossing DMB sa Dos na nagsabi sa kanya na tatapusin na sa loob ng dalawang linggo ang Hawak Kamay.

Sinadya naming hindi na muna magtanong sa sources namin sa Dreamscape Entertainment dahil sigurado kami na hindi rin kami sasagutin dahil baka nga totoo, e, ngarag silang lahat ngayon, makaistorbo pa kami.

Anyway, ang sigurado kaming eere ngayong Disyempre ay ang Christmas seryeng Give Love On Christmas na ang mga bida ay sina Eddie Garcia, Carlo Aquino at iba pa na may episode title na Gift Giver; sina Gerald Anderson at Maja Salvador naman para sa Gift of Life at sina Paulo Avelino at KC Concepcion naman sa Exchange Gift.

Hindi lang namin alam kung alin sa mga episode na ito ang mauunang iere at kung ano ang itatapat sa mismong Kapaskuhan.