Nobyembre 12, 1799 nang masaksihan ng American astronomer na si Andrew Ellicott Douglass ang unang Leonids meteor shower na naitala sa North America. Nang panahong iyon, si Douglass ay lulan sa barko patungong Florida Keys. Sa kanyang journal, inilarawan niya, “the whole heaven appeared as if illuminated with sky rockets, flying in an infinity of directions, and I was in constant expectation of some of them falling on the vessel. They continued until put out by the light of the sun after day break.”
Ang Leonids meteor shower, na nangyayari taun-taon, ay lalong nakamamangha dahil sa kometang Tempel-Tuttle isang beses kada 33 taon. Tuwing magpapakita ang kometa, nakagagawa ang meteor shower ng libu-libong meteors kada oras at nagsasabog ng liwanag sa kalangitan.
Taun-taon, nasisilayan ang tipikal na meteor shower mula Nobyembre 13 hanggang 21.