Agad sisimulan ng medal-rich sport na swimming ang kompetisyon sa 2014 Batang Pinoy Luzon qualifying leg na opisyal na magbubukas ngayong hapon tampok ang mahigit na 1,500 atleta at opisyales na magsasama-sama sa Naga City, Camarines Sur.
Taong 2008 nang unang maglaro siSinabi ni PSC National Games Secretariat chief Atty. Jay Alano na kabuuang 26 na isports ang paglalabanan sa limang araw na torneo na nakalaan para sa mga batang atleta edad 15-anyos pababa ng mga local government unit na mula sa Luzon.
Asam ng Baguio City na masungkit ang ikaapat na sunod nitong pangkalahatang kampeonato matapos dominahin ang torneo sapul na buhayin ang torneo noong 2011.
Gayunman, seryoso ang Pangasinan na magpapadala ng kabuuang 294 piling-piling atleta na makikipagsagupaan sa iba’t-ibang delegasyon ng local government unit (LGU) para makapagkuwalipika sa isasagawang Batang Pinoy National Finals na gaganapin muli sa pinagsilangan nitong Bacolod City sa Disyembre.
Ang Baguio City ay magpapadala naman ng mahigit 150 atleta na sasagupa sa 11 mula sa nakatayang 26 sports na binubuo ng arnis, archery, athletics, boxing, chess, karatedo, swimming, taekwondo, wrestling, judo, at wushu.
Matatandaang napanatili ng Baguio City ang pagkapit sa Luzon overall title sa ikatlong sunod na taon matapos nito na maungusan ang nangungunang Quezon City sa ginanap noong nakaraang taon sa Iba, Zambales.
Kumulekta ang Baguio City ng kabuuang 47 ginto, 49 pilak at 37 tanso upang biguin ang Quezon City mula sa liderato sa huling araw ng kompetisyon na nagtipon lamang ng 44-28-35.
Magsisimula ang kompetisyon sa swimming bago pa ang isasagawang opening ceremony sa Nobyembre 11 na itinakda sa ganap na alas-4 ng hapon. Paglalabanan sa unang araw ng swimming competition ang mga events na 1500 meter Freestyle for Boys 15-under at 800 meter Freestyle para sa Girls 15-under.
Ang Day 1 ng mga kompetisyon ay magsisimula naman ganap na ala-una ng hapon habang ang Day 2 hanggang 4 ay magsisimula sa ganap na alas-8:30 ng umaga.
Pitong isports na kabilang sa paglalabanang 26 ang magsasagawa ng kanilang national finals na baseball, football, gymnastics-cheerdance, judo, muaythai, soft tenni at wushu.
Ang Philippine Youth Games – Batang Pinoy, ay nagsisilbi naman na national sports competition program para sa mga kabataan at isinasagawa upang mapunan ang pangangailangan sa paghubog, pagdiskubre at pagpapalakas sa grassroots sports program na nakasentro sa values formation na matututunan sa sports and play.
Asam din ng programa na makapagbigay ng istruktura para sa isang komprehensibong sports development program para sa mga kabataang edad 15 anyos pababa and nagsisilbi din na pool para sa pagkuha ng mga atleta para isama sa iba’t-ibang aged grouped international competitions.
Ang mga magwawaging atleta ay inaasahan din na mapipili para sa paghahanda ng bansa sa paglahok sa isinasagawang Youth Olympic Games, Asian Youth Games at iba pang international age group competitions.