GUIMBA, Nueva Ecija - Dalawang dating opisyal ng Local Water Utilities Administration (LWUA) ang nasa hot water ngayon, gayundin ang presidente at chairman ng Green Asia Construction & Development Corporation, dahil sa pag-apruba sa full payment ng hindi kumpletong Guimba Water Supply Project.

Ayon sa Office of the Ombudsman, may nakitang probable cause para kasuhan ng graft si dating LWUA Administrator Lorenzo Jamora at deputy nito na si Wilfredo Feleo matapos bayaran ng mahigit P1 milyon ang kontratista kahit hindi pa nakukumpleto ang proyekto.

Kinuha umano nina Jamora at Feleo sa advance release ng tseke sa kabila ng walang naipalabas na certificate of final acceptance at pagbibigay ng pabor sa Green Asia Const. & Development Corporation, ayon namn kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales.

Ang Green Asia Const. & Development Corp. ang nanalo sa bidding para sa konstruksiyon ng P30-milyon na Guimba Water Supply project, na ang LWUA ang nagbigay sa Guimba ng P60 milyon tulong pinansiyal para sa proyekto.

National

Usec Castro, binoldyak ni Maharlika sa 'pa-travel-travel lang' si VP Sara

Nag-isyu ang LWUA ng P1,113,521.10 tseke sa kumpanya noong Hulyo 12, 2004 sa kabila ng “non-completion of the project”, habang nagpalabas naman ang Guimba Water District ng certificate of final acceptance noong Agosto 5, 2004, isang buwan makaraan ang bayaran.

Sinabi pa ng Ombudsman na bukod kina Jamora at Feleo ay respondent din si Renato Legaspi, presidente at chairman ng kumpanya.