NGAYONG linggo, eksaktong sampung taon nang umeere ang Kapuso Mo, Jessica Soho na nagkataong kasabay ng unang anibersaryo ng paghagupit ng bagyong Yolanda. Kaya para maging mas makabuluhan ang selebrasyon, bumuo ang produksiyon ng isang KMJS truck na maghahatid ng kasiyahan at inspirasyon sa Yolanda survivors.

Magbebenta si Ms. Jessica Soho ng special tapa at longanisa recipe ng kanilang pamilya upang makalikom ng donasyon para sa mga biktima ng delubyo. Tutulong sa proyektong ito ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

Magbabalik-bayan naman si Tom Rodríguez sa kanilang bayan sa Samar para kumustahin ang kanyang mga kamag-anak at kababayan. Ngayon lang uli makauuwi si Tom pagkatapos manalasa ang bagyo.

Binayo rin ng bagyong Yolanda ang Cebu. Makisakay sa biyahe ng nagbabalik Kapuso na si Iya Villania sa Queen City of the South para itampok ang bumabangon nitong turismo.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Makikihataw din siya kasama ang Cebu Dancing Inmates!

Gamit ang KMJS truck, sari-saring sorpresa ang inihanda para sa mga taga-Leyte. Ang mga basketball superstars sa pangunguna ni Alvin Patrimonio ay may mga handog na regalo para sa mga Waray.

Haharanahin naman ni Christian Bautista ang mga taga-Tacloban sa isang special mini-concert kasama ang mga online sensation na sina Zendee Tenerefe at Aldrich Talonding.

Samahan ang multi-awarded broadcast journalist na si Jessica Soho sa pagdiriwang ng isang dekada ng nangunguna, laging trending at most awarded news magazine show sa Pilipinas --- KMJS10 Kapuso Mo, Jessica Soho 10th Anniversary Special ngayong 7:30 ng gabi sa GMA7.