Magiging isang “bad president” si Vice President Jejomar Binay, kung pagbabatayan ang patuloy na pagtanggi niyang humarap sa Senate Blue Ribbon Committee para sagutin ang mga kontrobersiyang ibinabato laban sa kanya.

“In fact he will be worse than GMA (Gloria Macapagal-Arroyo), because at least GMA in one sense of the other answers the issues. She doesn’t brush

Nag-alok ang Bureau of Immigration (BI) ng P2,000 pabuya sa sinumang magre-report sa kawanihan ng mga overstaying na dayuhan sa kani-kanilang lugar.

Sinabi ni BI Spokesperson, Atty. Elaine Tan na ang proyekto ay bahagi ng programang “Bad Guys Out, Good Guys In” ni BI Commissioner Siegfred B. Mison.it off as mere politicking,” sabi ni Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano sa isang press conference sa Taguig City noong Biyernes.

National

27 volcanic earthquakes, naitala mula sa Bulkang Kanlaon

Isang mamamahayag ang nagtanong kung sang-ayon si Cayetano sa pahayag ni Binay na ang pagharap nito sa imbestigasyon ng Senado ay magiging “bad precedent.”

“He will be a bad president,” sagot ni Cayetano, nagparunggit tungkol sa plano ng Bise Presidente na kumandidatong pangulo sa 2016.

Nagpahayag na rin si Cayetano ng kagustuhang kumandidatong presidente, bagamat hindi niya nilinaw kung sa 2016 ito.

Nagpaliwanag pa si Cayetano na may mga kaso na kusang nagpapasailalim sa imbestigasyon ang matataas na opisyal ng gobyerno, kaya hindi umano totoo ang sinasabi ni Binay tungkol sa bad precedent.

“Vice President Noli de Castro appeared twice and answered all the issues asked him. That was a good precedent. His rival in the 2004 elections was even the one that confronted him,” ani Cayetano.

“When former President Fidel Ramos appeared before the Senate committee, it was also a good precedent. So my problem with the Vice President is, if he’s not hiding anything, then why is he hiding from us?” aniya.

Matatandaang noong Huwebes ay muling inisnab ni Binay ang pagdinig ng Senate committee tungkol sa overpriced na Makati City Hall Building II, na itinayo noong ito pa ang alkalde ng siyudad. - Ellson A. Quismorio