WAsHINGTON (AP)— Nagpakilala na sa publiko ang retiradong Navy SEAL na bumaril sa lider ng al-Qaida na si Osama bin Laden noong Huwebes sa gitna ng mga debate ng mga kasamahan niya sa special operations kung dapat ba nilang isiwalat ang tungkol sa kanilang mga sekretong misyon.

Sinabi ni Robert O’Neill, 38, sa The Washington Post sa isang panayam na dalawang beses niyang binaril si bin Laden na ikinamatay nito. Unang niyang isinalaysay ang istorya noong Pebrero 2013 sa Esquire magazine, na kinilala lamang siya bilang “the shooter.” Isang kasalukuyan at isang dating SEAL ang nagkumpirma sa The Associated Press na si O’Neill ay matagal nang kilala na siyang bumaril sa lider ng international terror group na utak ng Sept. 11 attacks.

Tinalakay ni O’Neill ang kanyang papel sa raid sa isang pribadong pagpupulong kasama ang mga kamaganak ng biktima ng 9/11 attack sa World Trade Center ng New York bago ang pagbubukas kamakailan ng National Sept. 11 Memorial Museum. Ipinagkaloob niya ang damit na suot niya sa operasyon, na ngayon ay nakadisplay doon.

Itatampok si O’Neill sa isang mahalabang segment sa susunod na linggo sa Fox News. Sinabi niya sa Post na nagpasya siyang lumabas sa publiko dahil nangangamba siya na ang kanyang identity ay isisiwalat ng iba.

Eleksyon

TINGNAN: Listahan ng mga aspirants na nag-file ng COC at CONA ngayong Oct. 3

Ang aksiyon ni O’Neill at ng iba pang lumutang na SEAL ay kinondena ng kanilang mga kasamahan.

Sa isang bukas na liham noong Oktubre 31, hinimok nina Rear Adm. Brian Losey, namumuno sa Naval Special Warfare Group, at Force Master Chief Michael Magaraci, ang top noncommissioned officer ng grupo, ang SEALs na umiwas sa publisidad.

“At Naval Special Warfare’s core is the SEAL ethos,” saad sa liham. “A critical tenant of our ethos is ‘I do not advertise the nature of my work, nor seek recognition for my actions.’”

Sinabi ni Rick Woolard, dating SEAL team commander na nauna nang hinimok ang mga kasamahan na iwasan ang pagtatalakay sa kanilang mga operasyon, na ang active-duty SEALs ay “pretty much very disappointed and I’d have to say angry with guys who have used their deeds and those of their companions for personal gain.”

Sa artikulo sa Esquire sinabi ni O’Neill na isa siya sa dalawang SEALs na umakyat sa ikatlong palapag ng gusali na pinagtataguan ni bin Laden. Ang unang lalaki ay dalawang beses na pinaputukan si bin Laden nang sumilip ito mula sa silid, ngunit hindi niya ito tinamaan, ayon kay O’Neill. Kasunod nito ay hinabol ng lalaki ang dalawang babae sa hallway sa labas ng silid ni bin Laden.

Tinungo ni O’Neill ang silid, kuwento niya. “There was bin Laden standing there. He had his hands on a woman’s shoulders, pushing her ahead, not exactly toward me but by me, in the direction of the hallway commotion. It was his youngest wife, Amal.”

Dagdag ni O’Neill: “In that second, I shot him two times in the forehead. Bap! Bap! The second time as he’s going down. He crumpled onto the floor in front of his bed and I hit him again. Bap! Same place. ... He was dead.”