Iloilo City— Inaresto ng mga awtoridad sa lungsod na ito ang isang lalaki na suspek sa pagnanakaw sa ibat ibang paaralan sa isla ng Panay.

Kinilala ng awtoridad ang suspek na si Christopher Saurin, tubong lalawigan ng Antique.

Inamin ng suspek na nakapagnakaw siya sa 22 na eskuwelahan sa lalawigan ng Antique, Iloilo at Aklan.

Narekober sa suspek ang ibat ibang unit ng computer, laptop at computer accessories.

Lumalabas naman sa imbestigasyon ng awtoridad na naibenta na ng suspek ang ibang laptop sa mga taong walang malay na galing ito sa nakaw.

National

'Produktibo at makasaysayan!' PBBM, balik-Pinas matapos work visit sa New York

Naaresto si Saurin matapos itong magbenta ng laptop sa isang undercover agent ng pulisya.