Inalis din ng Philippine Sports Commission (PSC) sa listahan bilang “priority sports” ang isa sa dalawang medal-rich at Olympic sports na swimming.

Sinabi ni PSC Chairman Richie Garcia na napagkasunduan ng PSC Executive Board na tuluyang alisin sa listahan sa napiling 10 priority sports ang swimming matapos na marebisa na walang naging pagbabago sa programa ng asosasyon sa nakalipas na tatlong taon.

“Swimming has a total of 48 gold medals at stake,” sinabi ni Garcia.

“But unfortunately, for the past three years, we have yet to see new and promising athletes. Sila pa rin ng sila ang lumalangoy,” dagdag pa ni Garcia.

National

143 Pinoy, pinagkalooban ng pardon ng UAE – PBBM

Ang swimming ay papalitan naman ng judo na binubuo ng mga baguhan at batang miyembro na ang ilan ay nakatuntong sa quarterfinals sa nakalipas na 17th Asian Games sa Incheon, Korea.

Una nang nagdesisyon ang PSC na palitan ng chess bilang “priority sports” ang Olympic sports na weightlifting.

Ito ang napag-alaman kay National Chess Federation of the Philippines (NCFP) Executive Director at Grandmaster Jayson Gonzales sa pagdalo sa lingguhang Philippine Sportswriters Association (PSA) forum sa Shakey’s Malate matapos makumpirma ang desisyon ng Philippine Sports Commission (PSC).

“We just receive the PSC Board Resolution today informing us that Chess will be one of the priority sports of the agency in the next fiscal year. Papalitan namin sa listahan ang weightlifting,” sinabi ni Gonzales.

Isa ang chess na madalas magbigay ng medalya sa mga internasyonal na torneo bagamat hindi ito kasali sa isasagawang 28th Southeast Asian Games sa Singapore sa Hunyo 5-16, 2015.