Arestado ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang barangay tanod at dalawang kakutsaba nito sa buy-bust operation sa Cotabato City kamakalawa.

Kinilala ni PDEA Director General Arturo G. Cacdac, Jr., ang suspek na si Hamid Saban Salik, 34, isang barangay tanod na itinuturing ng PDEA na “high-value target drug personality”; Surab Abdullah Sedik, 38, pedicab driver; at Omar Midsel Butuan, 21; na pawang residente ng Purok Maligaya, Bahay Maria, Poblacion 2, Cotabato City.

Ayon sa PDEA dakong 5:30 ng hapon kamakalawa nadakip ng mga operatiba ng PDEA ang tatlo sa isinagawang buy-bust operation sa Doña Teresa Extension, Poblacion 3, Cotabato City. Nakumpiska kay Sedik ang may 110 plastic sachet na naglalaman ng shabu na tinatayang limang gramo ang timbang at dalawang piraso ng P100 bill na ginamit na marked money.

Nahaharap sa kasong paglabag sa section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II of RA 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ang mga suspek.

Kapatid ni Jay-el Maligday na pinaslang umano ng militar, nanawagan ng hustisya