PINAKAMARAMI pa rin ang mga nanonood sa mga programa ng ABS-CBN noong Oktubre sa buong bansa sa average total day audience share na 44%, mas mataas ng siyam na puntos sa 35% ng GMA-7, base sa datos ng Kantar Media.

Lalo ring tumatag ang primetime block (6PM-12MN) ng Dos sa average national audience share na 49%, lamang ng 15 puntos sa 34% ng GMA-7.

Hindi natibag ang Primetime Bida ng ABS-CBN sa iba’t ibang bahagi ng bansa, partikular na sa Balance Luzon (mga lugar sa Luzon na nasa labas ng Mega Manila), na may average audience share na 54%, 61% naman sa Visayas at 60% sa Mindanao, kumpara sa primetime block naman ng GMA na nakapagtala ng 32%, 26%, at 27% sa mga nabanggit na lugar.

Ang patuloy na pamamayagpag ng ABS-CBN sa primetime ay bunsod ng mga de-kalibreng teleserye, kabilang na ang Ikaw Lamang, na siyang numero uno sa listahan ng pinakapinanood na programa sa bansa noong Oktubre dahil sa average national TV rating nitong 29.7%. Wagi rin ang final episode ngIkaw Lamang noong Oktubre 21 na pumalo sa national TV rating na 34.1%, o 21 puntos ang higit sa kalabang Hiram na Alaala (13.1%). Tinutukan din ang pagwawakas ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon noong Oktubre 10 sa national TV rating na 27.3%, o 13 puntos na mas mataas sa katapat na Hiram na Alaala (14%).

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Hindi rin natitinag ang bagong primetime show na Two Wives simula nang mag-pilot ito noong unang linggo ng Oktubre, at tinapatan noong Oktubre 20 ng Ilustrado. Nakakuha ang Two Wives ng national TV rating na 20.9% sa nasabing araw, at may 11.5% naman ang Ilustrado. Mabilis ding naging paborito ng televiewers ang Forevermore na nagpilot noong Oktubre 27 at nagrehistro ng national TV rating na 27.1% kontra sa 12.8% ng katapat nitong Hiram Na Alaala.

Pasabog ang pagbabalik ng The Voice of the Philippines noong Oktubre 26 na nagtala ng national TV rating na 28.3% at tinalo ang 17.2% ng Kapuso Mo, Jessica Soho. Ang singing reality show din ang pangalawa, kasama ang Hawak Kamay” (28.3%), sa listahan ng pinakapinanood na programa noong Oktubre.

Sa kabuuan ay labing-isang puwesto ang nasungkit sa ABS-CBN sa top 15 programs sa buong bansa sa naturang buwan. Ang iba pang Kapamilya shows sa listahan ay ang TV Patrol (28.2%), Wansapanataym (27.4%), Home Sweetie Home (26.7%) Forevermore(26.6%), Maalaala Mo Kaya (25.9%), Pure Love (23.6%), Mga Kuwento Ni Marc Logan (23.6%), Rated K (23.6%), Sana Bukas Pa Ang Kahapon (22.9%), Goin’ Bulilit (22.1%), at Two Wives (20%).

Hindi rin nagpahuli sa ratings ang bagong mga handog ng ABS-CBN sa morning block (6AM-12NN). Mas tinututukan ang Da Adventures of Pedro Penduko (12.2%) kumpara sa kalabang Basta Every Day Happy(5.3%) at ganoon din ang Marcelino Pan Y Vino(10.1%) kumpara sa Return of the Wife (6.7%)ng GMA.