Ipinasara ng Bureau of Internal Revenue 5 ang anim na malalaking tindahan ng motorsiklo at piyesa nito sa 5th Avenue, Caloocan City dahil hindi pagbabayad ng tamang buwis.

Isinagawa ang operasyon sa pangunguna ni BIR Regional 5 District Director Gerry Florendo, Assistant Director Grace Javier at Station Investigation Division Chief Dennis Floresca, dakong 9:00 ng umaga kahapon sa M. Del Pilar St. laban sa 2 Wheelers Motor Parts, X-Power, Roldan Cyclemate Corp, Jew Motor World, Series Motor Worx, at Cyclone Commercial.

Ang pagsalakay ay isinagawa ng grupo kaugnay sa kampanyang “Oplan Kandado” kung saan ang puntirya ay ang mga establisimiyento na hindi nagbabayad ng buwis sa pamahalaan.

Ayon kay Florendo, ilang establisimiyento rin ang sinalakay ng kanilang grupo sa Bulacan kamakailan. - Ed Mahilum
National

Lotto winner sa Laguna na 30 years nang tumataya, kumubra ng ₱70M premyo sa PCSO