NASHVILLE, Tenn. (AP) — Hindi lamang ang singer na si Blake Shelton ang napabalitaang textmate ni Miranda Lambert dahil ka-chat din niya maging ang breakthrough singer na si Meghan Trainor.

Nakatakdang magtanghal si Lambert kasama ang mang-aawit ng All About That Bass na si Trainor sa Country Music Awards (CMAs), at ayon kay Lambert ay malapit na niyang makilala ang singer na pinakapatok sa masa ngayong taon.

“I’ve not met Meghan yet, but we’ve been texting back and forth,” ani Lambert sa panayam noong Lunes sa Nashville, Tennessee, ang venue ng CMAs sa Miyerkules. “We’ve listened to All About That Bass probably about a thousand times this summer on the tour, so I already know it, obviously.

Ang Bass walong linggo nang nasa tuktok ng Billboard Hot 100 chart. Si Trainor, na nag-release ng EP ngayong taon, ay maglalabas ng full-length album sa Enero.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Naitala na mahigit sa tatlong milyon ang naibenta nito sa The doo-wop pop song.

“It’s a song about positive body image and kind of rocking what you got, and I am all about that,” ani Lambert, 30, tungkol sa Bass.

Ayon kay Lambert, na nangunguna sa nominasyon sa CMAs, magiging “great match” sila ni Trainor.

“I think we’re probably going to feel like we’ve known each other for a while,” aniya. “Probably feel like we’re kindred spirits.”

Lumaki sa Trainor sa Nantucket, Massachusetts, ngunit kamakailan ay lumipat sa Nashville, Tennessee nang magtrabaho sa isang publishing house. Nagsusulat siya ng mga awitin para sa Rascal Flatts at iba pa.

“Maybe we’ll spike up a friendship (and) we can write up some songs together,” pahayag ni Lambert. “That would be amazing. She’s a great writer.”