GENERAL SANTOS CITY – Iniimbestigahan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang pagpatay sa field commander ng grupo at sa kasama nito, na pinagbabaril noong nakaraang linggo ng mga hindi nakilalang suspek sa Quirino, Sultan Kudarat.

Ayon kay MILF Vice Chairman for Military Affairs Gadzali Jaafar, nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang pamunuan ng MILF kaugnay ng pagpatay kay Manubakan Abdul, alyas Kumander Garrison, ng 108th MILF Base Command; at Abdulkarim Dimapalao Maslamama, kagawad ng Barangay Midkunding sa SK Pendatun, Maguindanao.

Ayon sa pulisya, pinagbabaril ang dalawa ng riding-in-tandem habang magkaangkas din sa motorsiklo sa highway ng Bgy. Romualdez sa Quirino.

Personal na alitan ang tinitingnang motibo sa krimen. - Joseph Jubelag
National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso