Patay ang isang dating barangay chairman na tinadtad ng bala ng dalawang armadong lalaki, habang nadamay at namatay rin ang isang tricycle driver at 9-anyos na anak nito sa Tondo, Maynila nitong Lunes ng hapon.

Dead on the spot ang tunay na target ng pamamaril na si Ely Saluib, 65, negosyante, at residente ng 88 Area D, Gate 12, Parola Compound, Tondo dahil sa tama ng bala sa katawan at ulo.

Dead on arrival naman sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) ang nadamay na tricycle driver na si Engie Surigao, 39, at residente ng 500 Area C, Gate 21, Parola, Binondo, Maynila, dahil sa tama ng bala sa baba. Namatay rin matapos ang ilang oras ang anak nitong si Akisha, 9, dahil sa tama sa ulo.

Batay sa ulat nina SPO2 Rommel Del Rosario at PO1 Richard Limuco ng Homicide Section ng Manila Police District (MPD), dakong 12:00 ng tanghali nitong Lunes nang habulin ng mga suspek si Saluib habang nakasakay ng motorsiklo at pinagbabaril. Nagkataon namang ibinababa ni Surigao ang kanyang anak, na sinundo mula sa eskwelahan, sa kanyang tricycle nang magpaulan ng bala ang mga suspek at tamaan sila.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20