Coco Martin

TALIWAS sa intriga na binitiwan na ng Bench si Coco Martin bilang endorser, nag-pictorial na ang aktor para sa Christmas ad campaign ng naturang clothing and apparel brand.

Kaya walang katotohanan ang ikinakalat ng detractors ni Coco na hindi na siya kinuha ng kompanya ni Ben Chan. Tuluy-tuloy pa rin ang pagiging endorser niya ng Bench.

Kahit naging kontrobersiyal ang reklamo ng Gabriela at iba pang grupo ng kababaihan laban kay Coco at sa Bench, hindi iyon naging isyu sa huli. Pareho lang naipit sa isyu magkabilang panig.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Last Thursday ginanap ang pictorial, at present, at all out ang support ni Mr. Ben Chan kay Coco. Kuwento ng manager ng actor na si Sir Biboy Arboleda, masayang nakipagkuwentuhan kay Coco si Ben Chan kasabay na rin ang paghingi nito ng dispensa sa aktor. Matandaan na ilang araw matapos isiniwalat ng women’s group ang kanilang sama ng loob sa napanood na ginawa ni Coco sa The Naked Truth ay naglabas ng public apology si Coco.

Nalaman ng publiko na wala siyang masamang intensiyon laban sa kababaihan. Humarap ang aktor sa mga tao at samahan na nagreklamo laban sa kanya.

Nanumbalik na sa normal ang lahat. Kung noon ay kabado siya, simula nang magkaunawaan ang magkabilang panig ay nakakangiti at nakakahalakhak na siya tulad nang dati.

Nagbalikan na ang offers na muntik-muntikan nang mawala sa kanya. Nagbunga ang kanyang pagpapakumbaba. Nagtuluy-tuloy na uli ang dating ng blessings sa kanya.

Samantala, sa 33rd birthday at 10th anniversary celebration Coco Martin sa showbiz ay nagkuwento si Vice Ganda tungkol sa mga pinagdaanan nila.

Hindi lang kaibigan ang turing niya kay Coco kundi karamay sa buhay. Wala man silang pisikal na relasyon, higit pa roon ang kanilang pinagsamahan.

Nagkakilala silang dalawa noong nagtatrabaho pa si Coco sa Max’s restaurant bilang waiter at stand-up comedian naman si Vice Ganda.