Inihayag ng Palasyo na tinanggap ng Pilipinas ang $300 million pautang ng World Bank (WB) na may interes na mababa pa sa isang porsiyento kada taon at babayaran sa loob ng 25 taon.

Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr., ang $300 million ay gagamitin para patatagin ang mga programa at mekanismo na may kinalaman sa fiscal transparency at pangangasiwa sa pondo ng bayan, alinsunod sa hangarin ni Pangulong Benigno S. Aquino III na gawing permanente ang repormang panlipunan.

Ipinagmalaki niya na ito’y manipestasyon ng tiwala at suporta ng World Bank sa programa ng administrasyong Aquino sa larangan ng mabuting pamamahala at pagpapahusay ng fiscal transparency.

“Ang nilagdaang kasunduan sa pautang sa World Bank ay magbibigay sa Pilipinas ng suporta upang palakasin ang mga proyekto at gawaing pambayan (public investment implementation), pagbabawas ng gastusin sa pagtatayo ng negosyong may kinalaman sa pagtatrabaho at pagpapababa sa antas ng kahirapan, paglinang ng kakayahan at kasanayan ng mahihirap, pag-iisa ng mga naisulong na gawain sa pagpapabuti ng fiscal sustainability sa pamamagitan ng pagpalalakas ng koleksyon sa buwis, at pagsulong ng integrated fiscal risk management strategy,” aniya pa.

National

Manuel, naalarma sa epekto ng paglaganap ng Pornhub sa kabataan

Hindi, aniya, nakasama sa P2.6 trilyon na panukalang 2015 national budget ang $300 million loan mula sa World Bank.

Sa pahayag kamakailan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), umabot na sa $58.1 billion hanggang nitong Hunyo ang utang panlabas ng bansa.