Ilulunsad ng Movement Disorder Society of the Philippines (MDSP), sa pakikipagtulungan ng Philippine Neurological Association, ang unang National Parkinson’s Disease Lay Group sa “Gabay Alalay Para Sa Parkinson’s Disease.” Ang aktibidad ay idaraos sa AFP (Armed Forces of the Philippines) Theater sa Camp Aguinaldo, Quezon City sa Linggo, Nobyembre 9, 2014, kaugnay ng National Neurology Week.

Tampok sa event ang mga plenary session, educational course, testimonial, workshop at poster displays. Imbitado ang mga kilalang espesyalista sa Parkinson’s Disease para magbigay ng mahahalagang impormasyon sa mga pasyente, kanilang mga pamilya at tagapag-alaga tungkol sa sakit.

Libre ang pagpaparehistro sa MDSP secretariat sa 727-5552 o sa 0922-8372445.
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists