Mas ginusto pa ng isang lalaki na wakasan ang kanyang buhay imbes na makulong dahil sa panghahalay umano nito sa kanyang stepdaughter matapos itong magbigti sa loob ng detention cell sa Caloocan City kahapon ng madaling araw.

Sa report kay Chief Insp. Reynaldo Medina, hepe ng Caloocan Police Sub-Station, kinilala ang nagpatiwakal na si Diovito Hugo Delestra, 50, ng Bagong Barrio ng nasabing lungsod.

Ayon kay Medina, bandang 2:00 ng madaling araw nang makita ng kanyang kapwa preso si Delestra na nakabigti na kisame ng detention cell.

Nabatid na sinira niya ang kanyang damit at ito ang ipinantali sa leeg saka ipinulupot sa kisame ng selda.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Si Delestra ay nahaharap sa kasong rape matapos halayin ang kanyang stepdaughter noong Linggo.

Inaresto siya ng mga tauhan ni Medina sa bahay ng suspek noong Nobyembre 1.