Sa ikalawang pagpapatiwakal ay tuluyang namatay ang isang mister na binabagabag ng kanyang konsensiya sa pagpatay sa kanyang misis anim na buwan na ang nakararaan.

Dead-on-arrival sa Tala Hospital si Armando Deocariza, 50, ng No. 241 Camia Street, Malaria, Tala, Caloocan City, na naubusan ng dugo matapos hiwain ng labahan ang kanyang pulso.

Ayon kay PO3 Gomer Mapala ng Station Investigation Division (SID), dakong 9:00 ng gabi nang madiskure ni Jason Alvarado, pamangkin ni Deocariza ang duguang katawan ng huli.

Magugunita na napatay sa saksak ni Deocariza ang kanyang misis noong Hunyo sa Lupi, Camarines Sur. Matapos ang trahedya ay sinaksak niya ang sarili, pero hindi siya napuruhan at nang gumaling ay pinagbakasyon siya ng mga kaanak sa Caloocan City. Dalawang araw pa lamang sa Caloocan City si Deocariza nang muli siyang magpakamatay.
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists