BAGHDAD (Reuters)— Pinaslang ng mga militanteng Islamic State ang 322 miyembro ng isang tribung Iraqi sa kanlurang probinsiya ng Anbar, kabilang ang dose-dosenang kababaihan at kabataan na ang mga bangkay ay itinapon sa isang balon, sinabi ng gobyerno sa unang opisyal na kumpirmasyon sa lawak ng masaker.

Patuloy ang sistematikong pamamaslang ayon sa isang lider ng tribu, isa sa pinakamadugo sa Iraq simula nang salakayin ng mga militanteng Sunni ang hilaga ang bansa noong Hunyo sa layuning magtatag ng isang sinaunang caliphate doon at sa Syria.

Ilang linggo nang dumedepensa ang Albu Nimr, mga Sunni rin, laban sa Islamic State ngunit nauubusan na ng mga bala, pagkain, at panggatong habang papalapit ang mga mandirigma ng Islamic State sa kanilang pamayanan sa Zauiyat Albu Nimr.

“The number of people killed by Islamic State from Albu Nimr tribe is 322. The bodies of 50 women and children have also been discovered dumped in a well,” sinabi ng Human Rights Ministry noong Linggo.

National

Ikinakasang rally ng INC kontra impeachment kay VP Sara, pinaghahandaan na ng MMDA

Paulit-ulit na humihingi ng saklolo ang mga lider ng tribu, ayon kay Sheikh Naeem al-Ga’oud, sa central government at sa army na magpadala ng puwersa ngunit wala pang dumarating na tulong.