BACOLOD CITY - Isang dating operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang inaresto ng awtoridad matapos mahuling nagbebenta ng ilegal na droga.

Kinilala ng awtoridad ang nadakip na si Crisostomo Potatos, ng La Castellana, Negros Occidental.

Ayon kay Senior Insp. Ruben Pajarito, hepe ng La Castellana Police, nabawi mula sa suspek ang isang sachet ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation.

Hindi nagbigay ng pahayag ang PDEA sa insidente.
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists