Ellen Adarna

LITERAL na ‘the who’ ang ngayo’y bisi-bisihang si Ellen Adarna, ang latest GSM 2015 Calendar Girl, noong panahong nasa kuwadra pa siya ng GMA.

Pero nang magdesisyong tumawid sa bakuran ng ABS-CBN at isalang sa Moon of Desire na pinagbidahan ni Meg Imperial, biglang nagningning at bumango ang kanyang pangalan sa mapanuring mata ng publiko.

Kaya ang dating ‘the who’ ay biglang hinahangaan at ginawa pang idolo ng madlang pipol lalo na ng kalalakihang gustong langhapin ang kanyang bango. Ang kanyang pagiging liberated, honest at ‘luka-luka’ ay nagbunga rin naman ng magandang resulta.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Dahil sa kanyang tinamasang instant fame, naging cover girl siya ng iba’t ibang glossy magazines. Nakatulong din nang malaki ang pagiging FHM cover girl niya kaya’t mainit din siyang niyakap ni Bench Chan para sa promotional blurb ng Get This Body ng Bench/Body at isinama sa naglalakihang artistang rumampa sa The Naked Truth fashion show.

Kamakailan, the controversial Cebuana lass was launched by GSM as its newest Calendar Girl replacing GMA’s Primetime Queen, Marian Rivera.

“It’s really an honor stepping on her shoes,” wika ni Ellen sa launching niya bilang newest GSM calendar girl. “Walang pressure on my part but overwhelmed to replace her. Masaya lang sa tiwala sa akin.”

Ellen is indeed a lucky girl! Ngayong taon, GSM is celebrating its 180 years in the business at kasabay ng pagpapakilala sa kanya bilang bagong miyembro ng pamilya ay pagbibigay pugay din sa mga barako at hard working Pinoy tulad nina Dick Alipio Evasco ng Atok, Benguet; Alfredo “Ada” Abastas ng Metro Manila; at ni Mosies Mesa ng Binangonan, Rizal.

“Sobra po akong ganado ngayong bahagi na ako ng colorful history ng Ginebra San Miguel,” pahayag ni Ellen. “Confident at humbled po ako at the same time sa tiwalang binigay sa akin ng GSM para sa kanilang 2015 promotional campaign.”

In case you haven’t seen yet, kasama ang byuti ni Ellen sa Beauty in a Bottle nina Angelica Panganiban, Assunta de Rossi at Angeline Quinto; handog ito ng Quantum Films at Starlight Films and soon ay muli siyang mapapanood sa ABS-CBN sa Pinoy version ng Pasion de Amor with Jake Cuenca, Ejay Falcon, Joseph Marco, Arci Muñoz at Colleen Garcia.