Julian Estrada

DATING child actor si Julian Estrada, gumanap na siya bilang anak ng real-life father niyang si Sen. Jinggoy Estrada, nang gawin nito ang movie para sa overseas Filipino workers, ang Katas ng Saudi.

Napuri noon ang acting ng bagets, pero hindi na iyon nasundan dahil gusto ng daddy niya na magtapos muna siya ng pag-aaral. Nang gawin ang naturang movie, puwede lang siyang mag-shooting after his classes from Xavier School.

Pero nasa dugo ni Julian ang pag-aartista dahil lolo nga niya ang former president at now mayor ng Manila ngayon na si Joseph Estrada.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Mahusay ding kumanta at tumutugtog ng musical instruments si Julian, pero mas mahusay siyang mag-drums. Kaya pumayag na rin ang daddy niya na pasukin na niya nang tuluyan ang showbiz at naging member na siya ng Star Magic Circle 2012. Pero hindi pa rin siya nakapag-full time sa acting dahil sa pag-aaral niya.

“Dapat po ay may gagawin akong teleserye noon, pero hindi ako pinayagan ni Daddy dahil apektado ang schedule ko sa school,” kuwento ni Julian. “Pero I’m glad nang pinayagan na niyang gawin ko ang support role sa movie na She’s Dating A Stranger with Daniel Padilla and Kathryn Bernardo. Then, ginawa ko na itong Relaks, It’s Just Pag-ibig with Iñigo Pascual, Sofia Andres and Ericka Villongco.

“Inabot din kami ng one year dahil nag-location kami sa Leyte at pareho kami ni Iñigo na hindi makapag-full time ng shooting. Si Inigo, kapag libre lang siyang umuwi rito dahil sa States siya nag-aaral.”

Sa press launch ng movie na dinirehe nina Antoinette Jadaone at Irene Villamor, hindi tinantanan ng press sa pagtatanong tungkol sa kanilang lovelife sina Inigo, Sofia at Julian, na pare-parehong almost 18 years old na.

Noon una, iisa ang sagot nila, na mas naka-focus sila ngayon sa kanilang career.

Pero kalaunan, ibinuking nga niya na may “something” na kina Iñigo at Sofia. At inamin din niya na naging girlfriend niya si Julia Barretto.

Pero ngayon ay work na muna raw ang inuuna nila. Seryoso siyang may mapatunayan sa daddy niya.

Based sa trailer ng Relaks, It’s Just Pag-ibig, mukha namang matutupad ang wish niyang hindi mapahiya sa daddy at lolo niya.

Kung magiging surprise hit ang pelikula nila o kapag nagustuhan ito ng maraming kabataan, posible silang makahabol sa popularity ng mga artistang hinahangaan na bagong henerasyon.