ARAW-ARAW na nagpapasalamat sa Diyos si Adam Levine dahil sa kanyang pag-aasawa.

Ikinasal ang 35-anyos na front man ng Maroon 5 sa Victoria’s Secret supermodel na si Behati Prinsloo nitong Hulyo.

At nang tanungin kung ano ang pinakamagandang bagay tungkol sa pagiging mister, sinabi ni Adam na challenging para sa kanya ang tukuyin ang isa sa napakaraming biyaya at kasiyahan ngayon sa kanyang buhay.

“How do I decide? I think really, at the end of the day, if you find the right person, it’s the best,” sinabi ni Adam sa Extra. “It’s like life gives you a person and you find that person and it’s like, thank God. That’s how I feel.”

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nagkuwento kamakailan si Adam tungkol sa pagsasama nila ngayon ng 25-anyos na si Behati.

Sa katunayan, planado na niya ang buhay nila ng asawa.

“I want to have 100 kids. I want to have more kids than would be socially responsible,” una nang sinabi ni Adam nang kapanayamin siya ni Ryan Seacrest sa KIIS-FM show nito. “I don’t know when we’re going to do it. We can’t do it right now. I think it’s absolutely in the works for some future date. We’re definitely going to do it.”

Sa nasabi ring panayam ni Ryan ay nabanggit ni Adam ang tuluy-tuloy na pagbabago sa kanyang buhay simula nang ikasal siya. Naniniwala siyang mas masaya ang buhay niya simula nang siya ay mag-asawa.

“I think it does change, but in a great way,” ani Adam. “You feel like a man or something, it’s weird.

“The relationship doesn’t change, but you feel slightly more masculine. I feel like from a man’s perspective… at the end of the day, if you’re with the right person, the guy is supposed to feel like, I think, a little bit more of a man.” - Cover Media