CAMP MACABULOS, Tarlac City - Nahaharap ngayon sa kasong physical injury ang isang pulis matapos niya umanong kaladkarin ang dati niyang nobya na 16-anyos sa minamaneho niyang sasakyan at walang awang pinagsusuntok sa mukha at minura nang todo sa Barangay Dicolor sa Gerona, Tarlac.

Sa ulat ni PO3 Levy Santos, kinilala ang suspek na si PO2 Kristoffer Zulueta, 32, nakatalaga sa Gerona Police.

Sa imbestigasyon ni Santos, naging magkasintahan ang dalawa sa loob ng isang taon at walong buwan hanggang makipaghiwalay ang babae na labis na ikinagalit ng pulis.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget