Isang 32 anyos na babae ang patay habang sugatan ang kapatid nito matapos pagsasaksakin ng boyfriend ng una dahil sa selos sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Ideneklarang dead-on-the-spot bunsod ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Sheryl Nicol habang naka-confine pa rin sa Jose Rodriguez Memorial Hospital sa Tala ang kapatid nitong si Sharon Alcovendas, 30.

Lumitaw sa imbestigasyon na dumating ang suspek na si Jose Cambusa Jr. sa bahay ng mga biktima dakong 10:00 ng gabi noong Sabado na lango sa alak at may daladalang patalim.

Agad na kinompronta ni Cambusa si Nicol hinggil sa pakikipagrelasyon umano nito sa ibang lalaki na mariin namang pinabulaanan ng biktima.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa kainitan ng pagtatalo, biglang binunot ni Cambusa ang isang patalim at agad na pinagsasaksak ang dalaga.

Nang tangkaing awatin ni Alcovendas si Cambusa ay pinagsasaksak din ito sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Agad na tumakas ang salarin, ayon sa pulisya. (Ed Mahilum)