Angel & Luis

IIWANAN na ni Vice Ganda ang It’s Showtime, ang kinatatakutan ng production executives at staff ng show na sinulat namin last week.

Ang pag-alis ni Vice sa It’s Showtime ang usap-usapan nang magtungo kami sa ABS-CBN studios last Sunday. Pero ayon sa nakausap naming executive na ayaw magpabanggit ng pangalan, pansamantala o ilang buwan lamang mawawala si Vice sa pangtanghaling programa ng Dos.

Noong una nga raw ay hindi pumayag ang mga namamahala ng show sa katwirang isang malaking poste ang mawawala. Knows nga naman ng lahat na pilay ang It’s Showtime kung walang Vice Ganda.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Pero nang banggitin ni Vice na kailangan niya ng ilang buwan lang namang pahinga sa show, kasabay ang pagtiyak na babalik siya ay pumayag na rin ang management.

Ayon pa sa source namin, magpapahinga si Vice mula sa araw-araw na pagho-host. Pero tuluy-tuloy pa rin si Vice sa Gandang Gabi Vice.

Nalungkot ang mga kasamahang host at lahat ng mga taong involved sa production ng It’s Showtime pero naintindihan nila ang dahilan ni Vice.

Nalaman din namin sa aming kausap na may papasok naman daw na dalawang bagong host na pansamantalang papalit kay Vice. Kasama raw sa kinakausap na maging karagdagang host ng show ang magkasintahang sina Angel Locsin at Luis Manzano.

Samantala, sa katatapos na anibersaryo ng show ay binanggit na rin naman ni Vice na kailangan niyang umalis muna sa programa dahil sa problema niya sa lalamunan. Dapat daw muna niyang asikasuhin ito dahil kung hindi baka mawalan siya ng boses, huh!