NBA CAFE MEET-AND-GREET

Mula sa pagiging matinding magkaribal, pansamantalang magiging magkakampi ang dalawa sa pinakamalaking pangalan sa collegiate basketball ngayon.

Ang reigning UAAP MVP na si Kiefer Ravena, ang “King Eagle” ng Ateneo, ay makikipagtambal kay Jeron Teng ng La Salle para sa isang charity basketball event sa Nobyembre 5.

Sina Ravena at Teng ay bahagi ng Team PCWorx, igigiya ni two-time grandslam winning coach Tim Cone, na binubuo ng mga manlalaro mula UAAP at NCAA na sasabak sa “All In”, isang basketball fundraiser na layong makakalap ng pondo upang makapagpatayo ng mga bahay para sa mahihirap na pamilya sa pamamagitan ng Gawad Kalinga.

National

Ex-Pres. Duterte, pinaaalis na sa politika si VP Sara: ‘Mabuhay ka lang mapayapa!’

Palalakasin ng dating NBA players na sina Eddy Curry at DerMarr Johnson, hahamunin ng Team PCWorx ang Team Gawad Kalinga na binubuo naman ng Ball Up Streetball All-Stars na mamanduhan naman ni dating NBA MVP Allen Iverson. Makakasama naman nila ang mga dating manlalaro ng PBA na sina Jerry Codinera, Willie Miller, at Renren Ritualo.

Magtatagisan ng galing ang dalawang koponan sa Mall of Asia Arena.

“It’s gonna be nice to play alongside a rival of mine, Jeron. It’s gonna be fun. And I’m honored to play for Tim Cone, one of the winningest coaches in the PBA. It will truly be a memorable night for all of us,” pahayag ng 21-anyos na si Ravena. “And it’s nice that we’ll be doing this for charity. It’s always nice to help out.”

Ipinahayag din ng Ateneo hotshot ang kanyang admirasyon para kay Iverson at excited na rin umano siya na makadaupang palad ito.

“Allen Iverson was one of those players who revolutionized the game. He is “The Answer”. He changed the game in so many ways that until now, you see those changes in the court. I can’t wait to meet him,” ani Ravena.

Handog ng PCWorx at katuwang ang Philippine Airlines, Solaire Resort and Casino, NBA Café Manila, Accel, Intel, Microsoft, Rapoo, AOC, PhilCare, at Mall of Asia Arena, mabibili ang mga tiket para sa “All In” online sa www.smtickets.com, lahat ng SM Tickets outlets, at piling mga sangay ng PCWorx sa Metro Manila.