MAKIKISAYA ang Kapuso reality-talent show na Bet ng Bayan sa Raniag Twilight Festival ng Vigan ngayong araw, habang patuloy ang paghahanap nito sa pinakamagagaling na Pinoy homegrown talents sa pamamagitan ng North Luzon regional finals.

Sa nasabing showdown, pagtatapat-tapatin ang anim na qualified bets (ang mga nakapasa sa auditions at provincial finals) mula Dagupan at Baguio simula 8:00 PM sa Plaza Salcedo. Makakasama nila ang Bet ng Bayan hosts na sina Regine Velasquez-Alcasid at Alden Richards.

Bawat contestant ay umaasang mapabibilib ang board of judges na binubuo nina Dingdong Dantes, Kuh Ledesma, at Jim Paredes.

Hindi rin naman magpapahuli sina Andrea Torres, Pancho Magno, at Cris Villongco ng afternoon series na Ang Lihim ni Annasandra na dadayo rin sa Vigan para sa Raniag Twilight Parade sa ganap na 7:00 PM.

National

Painting ni Amorsolo sa private museum sa NegOcc, ninakaw!

Kahapon, pinangunahan ng GMA Artist Center talent na si Louise de los Reyes ang pagpapailaw ng Christmas Tree sa Vigan public market. Kasabay nito ang naging masaya at makulay na Raniag Twilight Street Dance Competition sa Quezon Avenue.

Pagsapit naman ng 8:00 PM, sinamahan nina Alden at Max Collins, mula sa bayani-seryeng Ilustrado, si Louise sa Kapuso Fiesta na ginanap sa Vigan City Hall Grounds. Nakasama nila bilang event host ang komedyanteng si Boobay.

Mapapanood ang highlights ng Raniag Twilight Festival sa Let’s Fiesta na ipalalabas sa Nobyembre 16 sa siyam na regional stations ng GMA Network sa Ilocos, Bicol, Dagupan, Cebu, Iloilo, Bacolod, Davao, GenSan, at Cagayan de Oro.

Para sa karagdagang updates tungkol sa iba pang regional events ng Network, sundan lamang ang GMA Regional TV sa Twitter at sa Instagram sa pamamagitan ng @GMARegionalTV.