Bagamat wala silang tinatawag na lehitimong sentro, maituturing pa ring contender ang koponan ng Talk ‘N Text sa ginaganap na PBA Philippine Cup.

Ganito ang paniniwala ng kanilang bagong recruit na si Fil-American forward at Gilas player na si Jay Washington at maging ng nagbabalik na si Kelly Williams.

Ayon sa dalawa, ang pagkakaroon nila ng tinatawag na “athletic” na manlalaro na kayang gawin ang ginagawa ng nasa puwesto ng slotman o No. 5 post ay sapat na upang makipagsabayan sila sa iba pang mga koponan sa liga.

“We take our turns playing center,” ani Washington na isa sa mga namuno sa koponan nang iposte nila ang unang panalo kontra sa baguhang NLEX Road Warriors.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“The good thing about our team is we’re all pretty much the same size at the four (position), so sometimes, it’s Kelly Williams’ turn (to play center) in (the) first quarter, or Robbie’s (Reyes) turn, or Del (De Ocampo) being our four-man. We’re pretty much all athletic so we can hound the fives (centers) if they are bigger or just make it hard for them,” dagdag pa nito.

Ngunit hindi pa rin kumbinsido ang marami sa sinabing ito ni Washington dahil sa nangyaring 20-puntos na kabiguan (81-101) na kanilang nalasap sa kamay ng mas matatangkad na Barangay Ginebra San Miguel sa opening day sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Kaya naman tiyak na aabangan ng fans ang kanilang magiging performance sa kanilang susunod na laban bukas (Oktubre 28) kontra Alaska Aces.