blind item shades

TOTOO kaya ang tsika sa amin ng isang production staff ng isang primetime serye tungkol sa isa sa mga bida nila?

Kuwento sa amin ng production staff, binanggit daw sa kanya ng personal assistant (PA) ng bidang aktres na may ipinaretoke sa katawan ang pinagsisilbihan nitong aktres.

Take note, hindi mukha ang ipinabago ng aktres dahil maganda na ito kaya walang dapat iparetoke sa parte na ‘yun.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Take note uli, ang ipinagawa ng aktres sa isang kilalang doktor sa abroad ay ang boobs at ang parteng ibaba ng katawan niya. Kaya nga raw marami ang nakakapansin na medyo malaki na ang kayamanan ng aktres sa dibdib at lumapad din ang kanyang balakang.

Napabalita noon na nabuntis ang aktres kaya lumipad agad papuntang abroad, pero itinanggi niya ang isyung ito. Pumunta raw siya sa ibang bansa para sa pag-aaral niya, huh!

Pustahan, itatanggi rin agad ng aktres kapag lumabas na ang isyung ito na nagparetoke siya ng boobs at balakang.

Ang ikinatawa ng source namin, bukod sa boobs at balakang ay ikinonsulta rin daw ng aktres sa doktor ang balak niyang pagpapasikip ng kanyang… alam n’yo na.

“Well, hindi yata ang sikat na malapit sa kanya ang idolo niya kundi si Ai Ai delas Alas,” pang-iintrigang sambit pa rin ng source namin.