Not guilty plea ang inihaing plea ng isang pulis na suspek sa Maguindanao massacre sa pagbasa ng sakdal sa kanya sa isang korte sa Quezon City.

Si PO1 Anwar Masukat ang nagturo sa noo’y mayor ng Datu Unsay na si Andal Ampatuan Jr. bilang utak ng krimen pero sa bandang huli ay binawi niya ang kanyang testimony.

Sinamahan si Masukat ng kanyang abogadong si Atty. Laguindab Marohombsar sa naturang arraignment.

Itinakda ni QC RTC Branch 221 Judge Jocelyn Solis-Reyes ang pre-trial hearing sa kaso ni Masukat sa Nobyembre 12.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Batay sa rekord, sa kanyang Reutersnaunang testimonya noong Disyembre 12, 2009 ay itinuro ni Masukat si Andal Jr. na ang utak sa pamamaslang sa 58 katao noong Nobyembre 23, 2009 sa Maguindanao. Kalaunan ay binago ni Masukat ang kanyang affidavit at sinabing si Ampatuan Vice-Mayor Rasul Sangki ang nanguna sa mga armadong grupo na humarap sa convoy ni Mangudadatu bago naganap ang krimen.