blind item shades

AWA ang nararamdaman ng mga katoto sa aktres na may non-showbiz boyfriend dahil inaakala raw na naka-jackpot na siya dahil niyaya na siyang pakasal.

Nakailang boyfriend sa showbiz ang aktres dahil nga naghahanap siya ng lalaking maiaahon siya sa hirap kasama na ang pamilyang binubuhay niya.

In fairness, maraming naging dyowang mayaman si Aktres at isa na nga ang anak ng kilalang aktor, pero hindi rin sila nagtagal dahil may ugali raw ang una na hindi nagustuhan ng huli.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Hanggang sa nagdyowa na lang ng non-showbiz si Aktres na inabot ng ilang taon kaya inakala ng marami na mauuwi na sila sa kasalan, pero biglang naghiwalay dahil hindi pa raw handang mag-asawa ang guy. Sa ex-boyfriend kasi ipinamamahala ng magulang ang napakalaking negosyo nila.

Pinag-awayan ito nina Aktres at young businessman na nalaman ng magulang ng lalaki, kaya ang ending ay pinamili ang anak—ang aktres o ang pamilya at mamanahin.

Mas pinili siyempre ang pamilya at malaking mana.

Muling nagkadyowa si Aktres ng comebacking actor pero hindi rin nagtagal dahil mas type na pala ng huli ang tahimik na buhay at gusto nang manirahan sa ibang bansa na hindi naman sinang-ayunan ng aktres dahil nga may career daw siya rito.

Ilang buwan ang nakalipas, nakilala ni Aktres ang non-showbiz na dyowa niya ngayon na talagang ipinagmamalaki niyang, ‘He’s the one’ na dahil nagyaya na raw ng kasal kahit ilang buwan palang niyang karelasyon.

‘Tila pumayag naman na rin si Aktres dahil pagod na raw siya sa pakikipagrelasyon na nauuwi sa wala.

Kaya ngayon ay inihahanda na ang pagpapakasal ng aktres sa non-showbiz guy na akala niya ay jackpot siya.

“Kawawa si _____ (aktres) dahil may bisyo si _____ (non-showbiz guy) at kilala ‘yan sa mundong ginagalawan niya. Sana kinilala muna niya ‘yung lalaki,” kuwento ng mga katotong nakakakilala sa guy.

Sayang naman si Aktres, kapipili-kapipili nauwi sa bungi.