AI AI Delas Alas

KALAT na kalat na sa buong Batangas ang napipintong pagtakbo ni Ai Ai delas Alas para mayor ng Calatagan. Katunayan, may mga nakikita na kaming tarpaulin na may mukha ni Ai Ai at may nakausap din kaming barangay official ng Calatagan na nakahanda nang sumuporta sa aktres.

Pero mukhang nagbago na ang plano ni Ai Ai. Nang huli kasing nakausap ng kaibigan namin ang comedy concert queen ay nagtapat ito na nagbago ang plano niya.

Kahit marami ang kumakausap kay Ai Ai para kumandidato sa Calatagan, nagdesisyon na raw siya na huwag nang ituloy ang pagpasok sa pulitika. Kaya sa 2016 elections, walang Ai Ai de las Alas na lalahok at makikiusap sa mga botante na iboto siya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sey ng source namin, feeling daw ni Ai Ai ay hindi raw siya meant for politics. Nawalan din daw ng gana si Ai Ai na tumakbo sa Batangas, dahil ‘pag nagkataon na umupo siya bilang mayor ng Calatagan ay hindi na si Ate Vi ang gobernadora ng Batangas, huh!

Samantala, ayon kay Direk Malu Sevilla nang makausap namin sa taping ng idinirek nitong Ikaw Lamang, masayangmasaya ngayon sa kanyang lovelife si Ai Ai.

“I’m very happy for her. I hope it’ll last,” sabi ni Direk Malu na close friend ni Ai Ai.