La Diva

IPINALIWANAG ni Jonalyn Viray ang tungkol sa isyung pangiisnab niya kina Maricris Garcia at Aicelle Santos.

Aniya, hindi niya intensiyon na balewalain ang mga dating kasamahan sa grupong La Diva pero may pagkakataon daw kung minsan na nangyayari ang mga ganoon.

May isyu kasing lumabas na pinagmalakihan ni Jonalyn sina Maricris at Aicelle sa concert ni Frencheska Farr sa Teatrino sa Greenhills last week. Ikinagalit daw iyon nina Maricris at Aicelle.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Pero ayon kay Jonalyn, medyo nahihiya o naunahan siya ng hiya nang oras na 'yun. Pero inamin niya na may hindi sila pagkakaunawaan.

"Pero sa akin naman, eh, kung anuman 'yung nangyari before, huwag na lang nating pag-usapan at iwanna lang natin sa ganoon na lang. Hindi lang po nagkakaintindihan. Kumbaga, may mga gusto rin tayo na gawin as individuals," sey ni Jonalyn sa amin.

Dagdag pa ng magaling na Kapuso singer, may kanya-kanyang hukbo ng tagahanga silang tatlo. At wala raw naman silang problema sa isa't isa.

"Nagkakasama-sama kami sa Sunday All Stars. Kapag may chance naman, nagpapansinan din naman kami. Nag-uusap-usap din, kaya huwag na sanang palakihin pa ang isyu," seryosong banggit pa ni Jonalyn.

Samantala, dahil sa success ng kanyang unang #Fearless concert last February ay marami ang nagre-request na uulitin nila ang panonood nito. Pero sa pagkakataong ito, mas kakaiba at bolder ang masasaksihan ng mga manonood.

Ito bale ang second major concert ni Jonalyn para sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda. Special guests sa #Fearless: The Repeat sina Tom Rodriguez, Thor at Jaya.

Gaganapin ang nasabing concert sa Nov. 14 at 8 PM sa Music Museum.