POLO Ravales

INAMIN sa amin ng isang ABS-CBN executive na kinausap nila si Polo Ravales para sa isang project.

Sa prescon kasi ng isang sinalihang proyekto ng aktor sa GMA-7, ipinagmamalaki ni Polo na may gagawin siyang project sa Dos.

Kung matutuloy, ang assignment ni Polo sa Kapamilya Network ay magandang role sa isang soap opera.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Pero sa kuwento sa amin ng Kapamilya executive, hindi pumasa sa mga big boss ng istasyon ang acting ni Polo sa isang guesting sa Ipaglaban Mo. Hindi raw sila na-impress sa acting ng Kapuso aktor.

“Siyempre, hindi lang naman isang tao ang magdedesisyon sa bagay na ‘yun. Pero sa totoo lang, wala yatang pumabor sa ipinakita niya. Kaya hayun, hindi na namin itinuloy ang pakikipag-usap sa kanya,” sey pa ng source namin.

Sabi ng exec, sa isang alagang Kapamilya star mapupunta ang role na inilalaan sana kay Polo.

From the same source, nalaman namin na may iba pang mga alaga ang Siyete na kusang nagpiprisinta na puwede silang tumanggap ng proyekto sa ABS-CBN.