Nagsampa ng P5 milyong defamation case ang negosyanteng si Antonio Tiu laban kay Senator Antonio Trillanes IV matapos bansagan ito ng huli bilang “dummy” ni Vice President Jejomar C. Binay sa pagkubli ng pag-aari nito sa malawak na lupain sa Rosario, Batangas.

Humihingi si Czarina Quintanilla, abogado ni Tiu sa kasong sibil, ng P4 milyon para sa moral damage; P500,000 sa exemplary damage; at P500,000 para sa attorney’s fee.

“This case is one for damages suffered by Antonio L. Tiu due to various defamatory statements made against him in the media by Senator Antonio Trillanes IV, outside his official duties as a member of the Senate or any committee thereof. Senator Trillanes accused Tiu of being a dummy of Vice-President Jejomar Binay,’’ ayon sa kalatas ni Quintanilla’s.

Iginiit ng abogado na isang lehitimong negosyante si Tiu na may magandang reputasyon sa pagpapatakbo ng mga negosyong agrikultura.

National

De Lima, nag-react sa pahayag ni Espinosa na si Bato nag-utos na idiin siya sa illegal drugs

Sinabi ni Quintanilla na ilang ulit binansagan ni Trillanes si Tiu bilang “dummy” ni Binay sa mga ari-arian ng bise president, kabilang ang mga panayam sa radyo at telebisyon.

Kabilang din sa mga pinanghahawakan ng kampo ni Binay ay ang isa umanong text message ng senador sa media kung saan sinabi nito “Tony Tiu is a dummy of the Binays.” (Chito Chavez)