DANIEL Matsunaga

LABIS-LABIS ang papuri ni Daniel Matsunaga kay Kris Aquino na ayon sa kanya ay napakalaking blessing na dumating sa buhay niya.

Aba’y oo naman, dahil noong walang masyadong project ang Pinoy Big Brother All In big winner ay madalas na kinukuhang co-host ni Kris ang binata sa KrisTV.

At di ba nga’t isinama pa ni Kris si Daniel sa pelikulang Sisterakas kaya nga natsismis silang dalawa na may ‘something’.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Habang nasa loob ng PBB house si Daniel ay panay ang puri ni Kris at malaking tulong iyon kaya nanalo ang aktor, at baka nga hindi lang natin alam, e, gumastos ang TV host/actress sa pagboto sa binata.

Simula naman noong manalo sa PBBAI, nagkasunud-sunod na ang projects ni Daniel tulad ng pelikulang Shake, Rattle and Roll na entry ng Regal Entertainment sa 2015 Metro Manila Film Festival at endorsement offers, at una na ngang natuloy ang San Marino Tuna Flakes na iniendorso rin ng mag-inang Kris at Josh.

KRIS Aquino

Kaya sabi ni Daniel, “I’ve never been happy like this in my whole life. Siyempre, there’s always a time for everything. In God’s time, I will have my relationship. Talagang masaya ako kasi it’s what I’ve always dreamed of and it’s happening now in the Philippines.

“Sobrang (overwhelming), sobrang nakakaiyak kasi talagang I’ve never expected this in my entire life. For me, it’s such a blessing for me. If I’m in Brazil, I may never have this. Talagang masaya ako rito.

“’Tapos, kinuha pa ako ng San Marino Tuna, na paborito ko rin talaga ito, timing nga, eh.”

Hmmm, hindi kaya may kinalaman din si Kris kaya kinuhang endorser ng San Marino Tuna Flakes ang binata?

At nang kunan namin ng pahayag ang Queen of All Media sa masasabi niya sa sinabi ni Daniel na malaking blessings siya sa aktor, “No comment, Reg.”