NBA CAFE MEET-AND-GREET

Isang `ultimate dining and entertainment experience’ ang handog ng NBA Café Manila para sa Pinoy basketball fans sa Nobyembre.

Kasabay ng pagdating ni dating National Basketball Association (NBA) MVP Allen Iverson, iniaalok ng NBA Café Manila ang iba’t ibang dining packages upang makasalo at makasama si Iverson sa Nobyembre 4.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ang naturang dining meet-and-greet ay isa sa mga aktibidad na inilinya para sa nalalapit na pagbisita ni Iverson sa bansa para sa isang charity basketball event.

Si Iverson, kasama ang mga dati ring manlalaro ng NBA na sina Eddy Curry at DerMarr Jonhnson at ang Ball Up Streetball All-Stars, ay magsasama-sama para sa “All In”, isang basketball fundraiser na layong makakalap ng pondo para sa Gawad Kalinga.

“We want to offer our avid patrons a unique dining experience by offering them different packages for a chance to dine with and meet their basketball idols,” ito ang tinuran ni NBA Café Manila general manager Nian Liwanag-Rigor. “Slots are limited and will be on a first come, first served basis so I urge everyone to call us now to make reservations.”

Para sa mga nais magpareserba ng kanilang slot, maaring tumawag sa NBA Café Manila sa numerong (02) 556-1683.