SA isang panayam kay Ms. Laarni Enriquez, mommy ni Jake Ejercito na matagal nang nababalitang boyfriend ni Andi Eigenmann, marami sa mga nakapanood ang nakahalata na ayaw na niyang pag-usapan pa ang relasyon ng dalawa.

Jaclyn JosePrangka nitong sinabi na ang pangarap niya sa anak ay makapagtapos muna ito ng pag-aaral (sa London) bago magsersoyo sa babae.

Halatang hindi nito gusto si Andi para kay Jake.

Sa presscon ng bayani-seryeng Ilustrado ng GMA-7 na tinatampukan ni Jaclyn Jose, mommy ni Andi, mahinahon naman niyang tinapatan ang pahayag ni Laarni. Bilang ina, nararamdaman ni Jaclyn ang saloobin ng mommy ni Jake.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Huwag nating kalimutan na malaki rin ang sakripisyo ni Laarni sa anak niya. Kung anuman ang sinasabi niya, karapatan niya ‘yun dahil siya ang nagpalaki sa kanya (Jake), hindi tayo,” matalinong sabi ni Jaclyn.

Sinagot niya ang tanong kung bakit tameme si Laarni nang tanungin ito ng mga reporter kung gusto ba nitong maging daughter-in-law si Andi.

“Let’s put it this way, I want my son to be happy. I want my son to have a happy family—a grounded one, ‘yung talagang intact. In this world, nothing is permanent. You can only depend in your own family, that’s how I raised my children, ‘yun lang. Jake is still young, Andi is still young, and she’s so busy with her own career,” pahayag ni Jaclyn.

Alam naman daw ni Jaclyn na hindi man ideal type ang kanyang pamilya, ang wish lamang niya’y makita ang anak na makahanap ng isang magandang pamilya.

“Huwag nating masamain kasi wish ‘yun ng lahat ng nanay na ang maging asawa ng iyong anak ay nanggaling sa mahusay, maayos at tahimik at hindi magulong pamilya. May kaguluhan nga naman ‘yung amin.”

Dugtong pa niya, “I know where she’s coming from kasi nanggaling din ako doon. At nauunawaan ko siya nang husto. Tama naman. Kahit ako siguro mag-wish ganun din, eh, kaso iba ‘yung buhay namin, eh. Showbiz in itself magulo na, eh.”

Bagamat kinumpirma na ni Andi na break na sila ni Jake simula nang mag-leak ang photos ni Jake na kahalikan ang isang non-showbiz girl, ang kanya nama’y ang pag-amin na may blessings nito ang pag-iibigan nina Jake at Andi noon.

“Boto ako kay Jake kasi mabuting tao naman si Jake. I’ve known Jake all his life. So ano pa ba’ng p’wede kong sabihin, eh, nakikita ko namang napakabuti niyang tao, napakatalino, napakamapagmahal sa magulang.”

Hindi nagbabago ang paghanga ni Jaclyn sa dating kasintahan ng anak.

“Sobrang pagmamahal niya sa magulang na kahit talikuran niya ang pag-ibig. Hindi ba kahanga-hanga ‘yun sa isang lalaki?” pahayag ni Jaclyn.