Ibinasura ni Pangulong Benigno S. Aquino III ang panawagan ng ilang grupo na ipawalang-bisa ang RP-US Visiting Forces Agreement (VFA) kasunod ng pagpatay umano ng isang US serviceman sa isang Pinoy transgender sa Olongapo City.

Sa media interview nitong Lunes sa ika-70 anibersaryo ng Leyte Landing sa Palo, Leyte, iginiit ng Pangulo na hindi makatwiran na husgahan ang VFA dahil sa umano’y pagpatay sa Pinay transgender na si Jeffrey “Jennifer” Laude ni US Marine PFC. Joseph Scott Pemberton sa Olongapo City noong Oktubre 11.

“Bakit natin kailangan i-abrograte ‘yung VFA? I mean, name me any place that doesn’t have crime. And the sin of one person should be reflective of the entire country? I don’t think so,” anang Pangulo.

Ang mahalaga, aniya, kapag may nangyaring krimen ay makalap ang lahat ng ebidensiya na magdidiin sa salarin upang makamit ng biktima ang katarungan.

Eleksyon

SP Chiz sa pagtakbo ni Quiboloy bilang senador: ‘Karapatan niya ‘yon!’

“So, ang importante dito ay mayroong krimen na nangyari, kunin lahat ‘nung ebidensiyang magpapatunay na ang may salarin ang may kasalanan dito, at magkaroon tayo ng katarungan,” dagdag pa niya

Bahala na, aniya, sina Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario, Defense Secretary Voltaire Gazmin at US Ambassador to the Philippines Philip Goldberg na magkasundo sa pagresolba sa aspeto ng kostudiya kay Pemberton dahil base sa VFA ay dapat humarap ang suspek sa anumang imbestigasyon at paglilitis sa hukuman.