VATICAN CITY (AP/AFP) — Ipinagdiriwang ni Pope Francis ang beatification Mass para kay Pope Paul VI, sa pagtatapos ng pagpupulong o synod ng mga obispo na tumalakay sa masasalimuot na reporma na ng Second Vatican Council na pinamahalaan ni Paul at ipinatupad.

Dumalo sa Misa noong Linggo si Emeritus Pope Benedict XVI, na ginanap ilang oras matapos aprubahan ng mga obispo ang dokumento na naglalatag sa dagdag na pastoral approach sa mga isyu ng pamilyang Katoliko.

Si Giovanni Battista Montini, ang malumay na cardinal mula sa hilagang Italy, ay nahalal na papa noong 1963 at namuno sa loob ng 15 taong masalimuot na panahon sa Simbahang Katoliko.

Si Paul VI ay itinuturing na isa sa mga modelo ng kababang loob ni Pope Francis.
National

ITCZ, magdadala ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa