Richard Yap

GUSTO mang magbakasyon ni Richard Yap pagkatapos ng Be Careful With My Heart ay kailangan muna niya itong ipagpaliban dahil paspasan na ang shooting nila nina Vice Ganda at Bimby Aquino Yap sa MMFF 2014 entry ng Star Cinema na Praybeyt Benjamin 2 directed by Direk Wenn Deramas.

Ang pangako ni Richard sa kanyang asawa at mga anak, sa December 27 ay itutuloy na nila ang pangakong bakasyon ng buong pamilya sa labas ng Pilipinas.

Commanding officer ang papel ni Richard sa part two ng box office movie of all time. Aniya, maganda ang role niya at aliw na aliw siya sa first shooting day nila ni Vice.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Walang problema kay Sir Chief kung pagtripan man siya ni Vice sa naturang movie. Hindi siya homophobic, at sa katunayan ay marami-rami rin siyang kaibigang mga bading.

Basta’t nagrerespetuhan silang dalawa ni Vice, walang problema sa mga kalokohan na ipapasok nito sa shooting ng pelikula nila.

“Sa akin, basta may respeto lang. At saka hindi ako type ni Vice kasi hindi naman ako basketball player,” napatawang pang-iintriga ni Richard.

Tutok na tutok na rin si Richard sa taping para sa nalalapit na pagtapos ng Be Careful With My Heart. Sa schedule niya, sa November 27 ang last taping day nila at kinabukasan naman ang last airing, huh!

Hindi pa niya alam ang magiging ending ng kanilang serye.

“Weekly lang dumarating sa amin ‘yung script. Ngayon, balik kami sa kung ano ‘yung na-shoot ipapalabas agad. Balik na naman kami sa ano, kasi malalaking eksena, nawawala na naman ulit ‘yung pondo,” pag-amin pa niya.