Iñigo-Pascual

VERY visible sa showbiz ngayon ang anak ni Piolo Pascual na si Iñigo. Napakasipag niyang mag-promote ng kanyang first movie titled It’s Just Pagibig na nakatakdang ipalabas sa November 12.

Naabutan namin sa programa nina Kuya Boy Abunda at Kris Aquino ang Aquino & Abunda Tonight si Iñigo habang nagkukuwento na naunawaan niya kung bakit kailangang ipa-DNA test siya ng kanyang ama.

Sey pa niya, may advantage at may disadvantage ang pagkaroon ng isang ama na kagaya ni Piolo.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Having Piolo Pascual as my father has its pros and cons, but I just have to live with it,” banggit pa ni Iñigo.

Ipinagmamalaki ng unico hijo ni Piolo na laging naririyan para sa kanya ang daddy niya. Ni hindi raw ito nagkulang sa mga pangangailangan niya at busog na busog siya sa mga pangaral nito.

“He’s always there for me. He’s very watchful and he’s very generous,” napatawa pang banggit ng bagets.

Kung suportado siya 100% ni Piolo ay ipinagmalaki rin ni Iñigo na hindi rin nagkulang sa kanya ang kanyang ina. Binanggit din niya na dahil nasa showbiz na rin siya , pati sa Instagram ay open na rin naman siya sa pagpo-post ng pictures kasama ang mommy niya.

“She is aware of it, and she’s cool and very supportive. I tell her that we just accept the negative side and let those not-so-good comments not put us down,” maayos pang lahad ni Iñigo.