Angeline-Quinto-copy

ALIW ang entertainment media sa presscon ng Beauty In A Bottle na pinagbibidahan nina Angeline Quinto, Assunta de Rossi at Angelica Panganiban kasama sina Ricci Chan, Empress, Miko Raval, Carmi Martin at Ms. Nanette Inventor mula sa Skylight at Quantum Films dahil nakakatawa pa rin kahit seryoso naman ang mga sagot nila.

May nagtanong kasi kung kailan nakaramdaman ng insecurity ang mga bida at kung kailan sila naging maganda -- at naloka ang lahat sa sagot ni Angeline.

 

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

“Nu’ng sumali po ako sa Star Power, doon ko naramdaman ang mga insecurities ko kasi hindi naman ako maganda, ‘tapos lahat ng contestants may itsura. ‘Tapos kapag may gustong magpa-picture, iilan lang sa akin ‘tapos ‘pag grupo, hindi yata alam na kasama ako as contestant, ako pa ang inuutusang kunan sila.

 

“‘Yung mga ganu’n insidente po, kaya nu’ng nanalo ako, salamat talaga kasi kinuha na ako ni Dra. (Vicky) Belo, marami siyang itinuro sa akin para gumanda at pinainom niya ako ng pampaputi, ‘yung glutathione pill, ininom ko po, imbes na isang beses lang sa isang araw, ginawa kong dalawa, isa sa umaga at isa sa gabi. 

 

“Eh, parang hindi pa rin tumatalab, so nagpa-inject na po ako, hayun, okay na, tatlong taon na, eh, di umepek na,” kaswal na kuwento ng singer/actress.

 

Naramdaman naman daw niyang maganda siya, “Nu’ng nagkaroon po ako ng unang billboard mula sa David’s Salon, eh, wala na ngayon, pero may kasunod, Belo malapit sa Greenhills, kaya maski hindi roon ang ruta ko, doon ako sa Edsa dumadaan para makita ko. Maski na sa Lawton ako pupunta, sa Edsa pa rin ako dadaan.  Gustung-gusto ko pong nakikita ang billboard ko,” seryosong sabi ni Angeline na hindi namin mawari kung biro pa ba o totoo na.

 

Samantala, sa one-on-one interview namin sa dalaga, hindi niya itinanggi na ipinabago niya ang mata niya at nagpa-smart lipo siya sa braso.

 “Nu’ng una po ay plano kong paliitan itong boobs ko kasi sobrang laki at nahihirapan ako, na akala ng lahat ay nagpadagdag ako, hindi po. Kaya nag-consult ako kay dra. Belo kung sakaling pabawasan ko, sabi naman niya na masakit at sobrang sakit daw kaysa magpadagdag.

“Kaya gawan na lang siguro sa mga damit ko, minsan kasi nahihirapan ako talaga. Actually, sinabi ko kay Erik (Santos) ‘yun at nagalit siya sa akin at nagalit siya sa akin nu’ng nasa LA kami no’n, ASAP Live in LA, sinabi ko na gusto kong pabawasan at sabi nga niya ‘wag na kasi sisingilin ka niyan pagtanda mo.’

Sundot namin, weakness ni Erik ang malalaki ang boobs.

“Mukha naman, kaya nga ang tawag niya sa akin hindi Angeline kundi Quinto lang, eh, baka naaalala niya si Rufa Mae Quinto, ha- ha-ha, joke lang po,” tumatawang sabi ng singer/actress.

 

Dagdag pa, “Niloloko nga po ako, siguro raw po lahat ng Quinto malaki ang hinaharap.”

Hindi ba siya nagseselos na baka nga si Rufa Mae ang naalala ni Erik sa kanya?

“Hindi naman po, eh, iyon naman po ang totoo, magkaapelyido kami ng ex-girlfriend niya.”

At ang real score raw nina Erik at Angeline, “Exclusively dating kami, kung dati ay mahal ko siya ngayon ay mahal na mahal ko na siya.  Handa naman po ako in the future po kung ano’ng mangyayari, pero as of now, kinikilala ko pa rin si Erik kasi hindi pa lubos.

 

“May mga alam akong personal na sini-share naman niya, pero hindi pala totally, so ayoko munang madaliin at ayokong magsisi sa bandang huli.  Baka kasi may mga hindi pala ako gustong ugali niya,” pahayag ng dalaga.

 

Samantala, inamin ni Angeline na nag-aaral siya ngayon ng personality development sa John Robert Powers.

“Kasi gusto ko naman din po mag-improve para naman pagtanda ko, eh, hindi lang ganito ako. Gusto ko nga ring bumalik sa pag-aaral, wala lang oras, pero next year babalik ako sa pag-aaral. Maraming nag-o-offer sa akin ngayon ng libreng culinary, sabi ko nga, hindi ko tatanggihan ‘yan kasi gustung-gusto kopo talaga ng may diploma.

“Inuna ko muna kasing mag-ipon habang maraming offers, pero pangako ko sa sarili ko na babalik ako sa pag-aaral.”

 

Maraming naaliw sa walang pretensiyon niyang pagsagot sa mga itinatanong sa kanya, na nakakatawa siyang magsalita.

“Depende po sa mood ko. Kung nasa mood ako, siguro nakakatawa ako, sakto lang din naman ang alam ko.”

 

Tungkol sa pagpapaganda ang tema ng Beauty In A Bottle at gagampanan ni Angeline ang papel na Judith na laging ikinukumpara ang sarili sa magaganda at sosyal na babae dahil gusto niyang ipakita sa pamilya ng boyfriend niya na talagang maganda siya.

 

Mapapanood na ito sa Oktubre 29 mula sa Skylight at Quantum Films, mula sa script at direksiyon ni Antoinette Jadaone.