Dawn-Richard-copy

NATAWA si Richard Gomez sa tanong ng ilang katoto kung iimbitahan ba niyang maglaro ang ex-girlfriends niya sa Quiet Please! Bawal Ang Maingay na napapanood sa TV5 tuwing Linggo, 8:00 PM.

“Tingnan natin,” napahalakhak na sagot ni Goma nang makatsikahan namin sa taping ng game show.

Pero mas posibleng mapanood sa Quiet Please ang mga kaibigan niyang sina John Estrada, Joey Marquez at iba pang nakasama nila sa Palibhasa Lalake. 

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Papayag ba ang ABS-CBN, hindi ba’t naka-exclusive contract sila?

 “Puwede ko silang imbitahin, mga kaibigan ko naman sila, siguro naman pagbibigyan ako,” say ni Goma 

Panay ang taping ni Richard ng Quiet Please! dahil gusto muna niyang magbakasyon bago umpisahan ang pangalawang season nito.

“Na-extend kami ng ilang episodes, pahinga, ‘tapos balik-ulit kasi franchise ito, eh. Mabilis kami, eh,” say ng aktor.  

Nabili ng TV5 ang Quiet Please! franchise sa FreeMantle. 

Samantala, hindi inamin ni Richard na nanghihinayang siyang hindi natuloy ang project nila sa TV5 ng isa sa ex niyang si Sharon Cuneta.

“Hindi ko alam, eh, sabi lang sa amin (ng management), stop na tayo.  Sayang nga kasi nakaapat na taping days na kami, sayang nga, eh. Pero tingnan natin.” 

May communication ba sila ngayon ni Sharon na napabalitang dumadaan sa depression? 

“Hindi pa, eh.  Pero nag-text kami sandali. One day babalik din ‘yun sa trabaho, nakaka-miss kasi kapag hindi ka nagkaroon ng trabaho.  Ako nga, sabi ko kay Lucy, ‘Lucy, hindi muna ako magiging chief of staff mo, magtatrabaho muna ako, nami-miss ko rin umakting,” pagtatapat ng aktor.

 Ibinalita ni Richard na may pelikula silang gagawin ni Dawn Zulueta with Bea Alonzo sa Star Cinema (nag-story conference na kahapon). May telerserye rin ulisilang pagsasamahan ni Dawn na uumpisahan ng ABS-CBN SA Nobyembre 2015 at ipalalabas ng first quarter ng 2016. 

“Ang galing nga, si Richard lang ang nag-iisang leading man nina Bea at Dawn,” napangiting sabi ng aktor.

Mukhang labanan na naman ito ng pag-arte at si Bea ang pinakabata sa kanila, pero tiyak na hindi ito magpapatalo. Love triangle kaya ito? Kaabang-abang.