TARLAC CITY— Inihayag kamakailan ni Gabriel Llave ng Baler Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) na sila ay naglunsad ng kampanyang “colors of life” na makatutulong tuwing may bagyo.

Aniya, pinipintahan ng dilaw, berde, at pula ang mga tulay, poste, at puno sa mga mabababa at bahaing lugar sa kabiserang bayan upang magsilbing early warning system (EWS) ng mga residente.

Ang bawat poste ay pinipintahan ng may taas na anim na piyeng EWS mula sa lupa. Ang dilaw ay hudyat ng paghanda sa paglikas, berde para sa tuluyang paglikas sa mga evacuation center at pula ay hudyat na matinding pagbaha.
Internasyonal

Embahada ng Pilipinas sa Korea, pinaiiwas mga Pilipino sa rally