Nakatakdang magtungo sa Pilipinas ang German na sinasabing boyfriend ng pinatay na transgender na si Jeffrey Laude, alyas “Jennifer”, sa Olongapo City.

Ayon kay Marilou na kapatid ng biktima, alam na rin umano ng kanyang foreigner boyfriend, na nakilalang si Mike Suesbek, ang sinapit nito.

Itinuturong suspek sa krimen si Private First Class Joseph Pemberton na kasalukuyan pang nasa kustodiya ng US military at nakadetine sa USS Peleliu sa Subic Bay, Zambales.

Nangako ang boyfriend na aayusin ang flight pabalik sa Pilipinas sa linggo ito upang makita ang bangkay ni Jennifer.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Dalawang taon nang magkasintahan si Jennifer at Mike nagpaplano magpakasal ang mga ito sa Thailand.

Ayon kay Marilou, nagtatrabaho sa isang salon ang kanyang kapatid, subalit huminto nang bigyan ng suportang pinansiyal ng German boyfriend.

Si Jennifer ay natagpuang patay at nakasubsob pa ang mukha sa toilet bowl ng isang hotel sa Olongapo.